There is worse pain than yours, so stop ranting. bow.

12 May 2005

hamon

Unti-unti ko nang nararamdaman ang lupet ng trabaho sa ahensya. Grabe kanina, deadline na pala, hindi namin alam. Ginagawa pa lang namin, nandito na pala ubng clients, at take not, big bosses pa. Sobrang bad trip. Nasanay kasi na pinapaalalahanan pa ng AE. Kaya yun, naipit kami. Ang I felt really bad because I hate missing deadlines. And it's even more disappointing because my boss had to present it to the client upstairs, and we're not even finished. Grabe ang sagwa. We apologized, and said we really didn't know that the presentation's today. Di na talaga pwede mangyari ulit yon.

Sa totoo lang, tambak ung trabaho to the point na hindi na namin alam kung anong uunahin. Sabay-sabay ung deadlines this week. Billboard, leaflet, banners, bakit kailangang sabay-sabay mag-launch ang mga produkto nila??!?!?!? Anak ng...Sana tatlo na lang ako. Bwiset.

Anyway, 1st time kong magreklamo about work. First time rin kasing mangyari ung ganito. Ang sagwa talaga. We apologized to our boss, and it's a good thing he's nice and all. Kung si Aussie boss yon, sinigawan at tinadyakan na siguro kami palabas ng building.

Haayyyyy what a day. It's my 1st day pa. Hassle talaga. Pero okay lang, tapos na ung araw.

Nararamdaman ko na ang lupet ng ahensya. Pero wala akong magagawa dahil ito ang pinili ko. Sana lang magkaroon ako ng lakas na panindigan ang desisyong 'to. Balang araw, gusto kong magtayo ng negosyo. At hindi ko sinasabing 'sana'. Gagawin ko talaga, dahil gusto ko at dahil pangarap ko 'to. Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang isang'employee' habang buhay.

Sa ngayon, kailangan munang magtiis at gawin ang lahat para galingan ang trabaho. Kailangan munang hasain ang sarili at matututo sa lahat ng pagkakamali. Kailangang kumuha muna ng lahat ng pwedeng makuha mula sa propesyong 'to. Kailangan munang makaipon at maranasan lahat upang maging matatag at marunong.

Balang araw magiging boss ko ang sarili ko. Itataga ko yan sa bato.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home