There is worse pain than yours, so stop ranting. bow.

07 March 2005

Pagmumuni-muni

Marami nang nangyari. Marami nang nasabi. Marami nang iniisip ang ibang tao. Marami na rin akong narinig mula sa iba na hindi ko nagustuhan. Pero sa totoo lang, wala na kong pakialam. Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Sabihin na ang lahat ng gustong sabihin. Husgahan na lahat ng mga gustong manghusga. Pero sa totoo lang, wala na 'kong pakialam.

Masaya ako ngayon. Hindi ko ikakaila 'yon. Pero kung nagdududa pa rin ang iba sa kasiyahang 'to, bahala na sila. Nakakapagod na isipin palagi kung anong sasabihin ng iba. Mahirap mabuhay na parang nakakadena sa pananaw nila. Nakakasawa na.

Oo masaya kami, at kung hindi kayo masaya para sa amin, wala na 'kong magagawa at wala na 'kong pakialam.

2 Comments:

Blogger bogart said...

yihee.. iba talaga ang nagagawa ng kamay..

12:25 AM

 
Blogger Jenie / Copywriter said...

Che :S

3:50 PM

 

Post a Comment

<< Home