There is worse pain than yours, so stop ranting. bow.

18 November 2004

steady

Gabi and Chad have just been interviewed by Aussie. Haha. Gabi's gonna replace me if ever. Si Chad nman freelance illustrator. Haay I feel like a headhunter haha. They're looking for AEs also. Ako rin nagprovide ng contact sa delivery vehicle nila. Hehe what will they do without meee??!! Hahaha feeling. Oh well. Weird nga eh. Kung kelan ako magreresign, saka medyo steady sa office. Ewan ko, I really wanna help Mama. Para magkasilbi naman ako sa pamilya. Matagal na kong walang silbi. I mean, wala kong ginagwang masama, and I've been a good daughter and all, pero feel ko pa rin wala kong nacocontribute sa family. Weird. Sabi ni Junjun, more than enough na daw ung pag-aaral ko nang mabuti at pag-aayos ng buhay ko. Shyet mabait pala ko kung ikikumpara sa mga conspicuous, vice-ful, lazy and flunking asses my age. Hmmm... Ganyan tlga ang buhay.

Ok wala kong magawa. Ummm.. I've been sound tripping since yesterday. Download galore! Late bloomer tlga. Haay. I want an MP3 player. But I don't think I'll buy something like that. Wala lang para sakin pansariling luho lang yon. Di naman pangangailangan. Kagustuhan lang. Pero sa tingin ko kelangan ko na ng bagong cellphone. I'm still debating if I'd get one with a camera, coz it's not a necessity. May digicam naman. Ano ba 'to lumalabas na nmn ang pagka-Musmos ko. Toink.

I wanna go to the beach. Haayyy... I've been searching for Boracay packages. Pwede naman tlga pumunta pag nagresign na ko, but the thing is, my friends won't be available. Haay. I wanna travel with them syempre. Gosh. Everyone's busy. Hirap na magplano ng long trips. Nagtitipid pa ung iba.

I've been too lax since I resigned. Duh. Dapat nga pwede na ko umalis eh. But no. I'm a nice girl. Tinulungan ko pa sila maghanap ng kapalit ah. See, ambait ko. Nyek. Sabi ko nga. if Gabi gets the job then resigns in 2 months if their grant gets approved, alam ko na sasabihin nila, "Eto talagang mga Atenistang 'to, wala nang ginawa kundi magresign!" Well, ganun talaga eh. Free-spirited, idealistic people. Saka yun nga, sabi ni Mama. we still can afford to do this kasi wala naman kaming binubuhay. Swerte na lang tlga namin na naging masipag ang mga magulang. Pero syempre, hindi pwedeng nakasabit habang buhay. Di rin ata makakaya ng sikmura ko yon. Ayoko maging parasite all my life. Haay. If that real estate job doesn't work out for me in 6months-1year, I'll get a job in the client side. At least I already got a good grasp of our business if ever they need me to take over. Naakkksss ang confident kuno hahaha whatever. Basta I wanna earn and save up on travel money. As in. Kahit later na ung car. Basta I wanna travel and explore the world. Bow.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home